Thursday, August 15, 2013

Tagalog news: Pamahalaan nagbukas ng dagdag na evacuation centers para sa mga biktima sa bakbakan sa Mindanao

By David M. Suyao

AGUSAN DEL SUR, Agosto 15 (PIA) -- Handa ang Malakanyang na magbigay ng pansamantalang tirahan sa mga pamilyang umalis sa kani kanilang tahanan dahil sa patuloy na giyera pagkatapos na magka enkwentro ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ang pwersa ng paqmahalaan para sa seguridad. 

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, ang pamahalaan ay nagbukas ng apat na evacuation centers sa mga lugar kung saan naroroon ang mga pamilyang nagsi-alisan sa kanilang lugar dahil sa giyera. 

Pero dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naapektuhan sa kaguluhang ito, ang pamahalaan ay naglaan ng dagdag na evacuation centers na umabot na ngayon sa 13. 

Ang 13 na evacuation centers na matatagpuan sa Pikit, North Cotabato, ay naging pansamantalang tirahan ng 1,197 na pamilaya o 5,985 ka tao, ayon kay Valte. 

Sinabi ng opisyal ng palasyo na tinatantiyang umabot na sa 1,122 ang pamilyang nagsipag-alis sa kanilang lugar o 10,610 ka tao. Kalahati sa unang bilang na 2,122 ay nakitira muna ngayon sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak, ayon kay Valte. 

Sa kabilang banda, ang pambobombang naganap sa Cagayan de Oro ilang linggo ang nakaraan, sinabi ni Valte na tukoy na nila ang mga salarin at sila ay sasampahan na ng kaso. (PIA-Agusan del Sur)